![]() |
Si femia,ako,at si allyssa. |
Sabi ng inay at tatay ay mabait daw akong bata, matulungin daw ako sa kanila, pero nung limang taon pa daw ako saksakan daw ako ng kulit. Kapag nakikipaglaro ako sa aking tiyo ay hindi daw ako natigil hanggat di daw ako nasasaktan. Lagi lagi daw akong nabubukulan o nasasaktan nung bata pa ako dahil nga sa makulit ako.
Tapos nung ako ay mag aaaral na sa ika unang antas sa elementarya ay ayoko daw magpaiwan sa aking ina. Lagi daw pagkatapos ng flag ceremony namin ay umiiyak na daw ako dahil nga ayoko mag isa sa paaralan, galit na galit na daw sa akin noon si inay. Binibilhan na nga daw niya ako ng mga pagkain para di na ko umiyak pero palpak pa rin daw. Nawala rin naman daw yung pag iyak kong yun ng magkaroon na ko ng mga kaibigan
Lumipas ang anim na taon at ako'y nakagraduate na sa elementarya. Ang laking tuwa sa akin noon nina nanay at tatay kasi nakatapos na daw ako ng elementarya at saka naging proud din ako sa aking sarili tapos medyo naiiyak ako noon kasi last na naming pagsasama iyon ng mga naging matalik kong kaibigan. Maaalala ko yung mga happy moments namin at noong maghapon na garabe ang dami ko palang handa. Tapos ang mga tiyo at tiya ko at mga pinsan ko ay nandoon sa amin at masaya akong binabati ng congratulations. Napaka saya ko sa araw na iyon. Nangyari iyon noong March 28, 2007.
Nang matapos ang bakasyon ay nag enrol ako sa paaralan ng Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School. Noong unang pasukan wala pa akong masyadong kakilalala at hindi ako masyadong makulit, tapos makaraan ang isang linggo, nagkaroon na ako ng maraming kaibigan. Masaya sila kasama at maaasahan sila.
![]() |
si Iara ito |
![]() |
kaming dalawa ni best friend shara |
Makalipas ang ilang linggo ay nag enrol ako sa CLDDMNHS. Noong unang pagpasok ko dito ay parang natatakot ako na ang nasa isip ko ay wala akong kakilala dito at saka parang mahirap ang mga aralin at matataray ang mga teachers, yun pala ay kabaligtaran ang mga iniisip ko. Madali lang pala basta nag aaral ako at kung talagang iintindihin mo at saka mabait ang mga guro kung mabait ka sa klase nila. at Makalipas ang isang linggo ay nagkaroon na ako ng kaibigan. Mababait sila at matulungin. Ni minsan hindi ko naisip magloko sa pag aaral dahil yun lang ang bilin sa akin ni inay kapag ako ay paalis na ng bahay. At kung minsan pag nagkakaroon dito ng contest katulad ng mga sayaw ay hindi ako nakakasali kahit gusto kong sumali ay inuunahan ako ng hiya at ewan ko ba kung bakit ako napapahiya, pero meron naman akong karanasan sa pagsali sa contest ng sayaw marami na ring beses. Doon sa aming baranggay ako laging nakakasali sa contest pag minsan ay pinipalad namang manalo at kung minsan naman ay hindi. Kaso nasira ang samahan namin sa grupo dahil ang iba kahit first year pa lang ay maaga ng nabuntis. Nalulungkot nga ako sa kanila tapos nakapagtapos na ako ng first year.
Nakatuntong na ako ng second year. Doon ko nakilala si Mira Nova A. Belda. Sa lahat ng naging kaibigan ko, siya yung pinaka special kasi sobrang bait niya at matulungin sa akin kaya ganun din ang turing ko sa kanya. Masaya nga ako nung second year ako.
![]() |
Si allyssa at ako. |
Tapos noong third year naman ako ang pinaka aantay ko naman dito ay yung JS Prom namin kasi sabi daw nila ay yun daw ang pinakamasaya sa third year kaya ako naging masaya na nung mag third year ako. Sumapit ang Junior and Senior Prom, naging abala kami ni inay kasi gusto ni inay maging bongga ako. Sobrang saya ko naman noon kasi pinaghandaan nila ang JS ko. Ang first dance ko noon ay si Dustin Marco Reyes at siya rin ang last dance ko noon. Tapos nung pag uwi ko noon ay nagtanong ang mga pinsan ko kung sino daw ang nag sayaw sa akin, natawa lang ako sa kanila kasi kin ikilig ako noon. Ayan ang di ko malilimutan nung third year ako.
![]() |
class picture ng 4-F |