Sunday, February 20, 2011

Ang Talambuhay ni Mylene Estabaya

Ako si Mylene Ilao Estabaya, anak nina Tirso Tan Estabaya at Jennifer Brillantes Ilao. Ayon sa kwento ng aking tiyahin nagkakilala sina mama at papa sa Cavite sa kanilang trabaho doon. At di nagtagal ay nagkamabutihan sila. Dahil sa laguna nakatira, doon ipinakilala ni mama si papa sa aking mga lola. Dito sila ikinasal sa San Diego San Pablo City Laguna.
Nang sila ay maikasal na, nagbunga ang kanilang pagiibigan at ako nga po i yon, ipinanganak ako noong Agosto 22, 1995 sa San Pablo City District Hospital. Kami ay apat na magkakapatid. Dalawang babae kami at dalawang lalaki.
Habang ako ay lumalaki, may mga nagkukuwento sa akin na ako ay ihinabilin lang ng mama’t papa ko sa aking tita noong ako ay bata pa. Base sa kwento, pareho nagtatrabaho sila mamat papa, ngunit isang araw habang papa ko ang nag aalaga sa akin ay may di inaasahang nangyari dahil daw sa aking kalikutan, habang nagtitimpla noon si papa ng gatas ko ay di niya namalayan na ako pala ay nakalabas na ng bahay at nakapunta sa kalsada, hinanap niya ako at nalaman na lang niya na na nsa ilalim nap ala ako ng jeep..!! at di inaasahan na umandar ito. Hindi ko raw alam ang gagawin kya raw ako ay umiyak ng umiyak at yumuko na lang, kaya thanks God, dumapa lang ako at nakaligtas at galos lang ang aking natamo.
Ako noong 3 taon


Matapos ang pangyayaring iyon, makalipas ang ilang buwan umuwi kami ng Laguna. May isa na naming pangyayari sa buhay ko na di ko rin malilimutan, sabi ni mama ako daw noon ay nakahiga sa crib sa may tapat ng bintana, hindi maisara ng lola ko ang bintana kaya kanya na lang itinulak mula sa labas ng bahay para maisara, pero sa di inaasahang pangyayari natanggal iyon at sa akin nahulog. Nalaglagan ako ng bintana at buti na lamang daw at nakaligtas ako iyak nga lang ako ng iyak.
Noon naming ako ay lumaki na at nagsimula mag aral sa kinder may karanasan din akong di malilimutan. Isan mainit na tanghali noon, dahil kakatapos pa lang ng aming klase ang laro naming ay habulan. Sobrang saya noon ngunit isang pangyayari ang nagpaiyak sa akin., ng ako ay madapa at masungasob sa putikan, buong katawan ko ay puro putik pati ang aking mukha. Pinagtawanan ako noon ng mga kaklase ko. Matapos noon umuwi na lang ako at nagmukmok sa aking silid.
Hindi lamang iisang school ang aking pinasukan ng elementarya dahil nga sa ang trabaho ng aking mga magulang ay sa Carmona Cavite, bukod sa San Diego Elem Schoool, pumasok rin ako ssa Bancal Elem School. Three years ako ditto sa Laguna at three years din sa Cavite.
Nang ako ay nasa Ika anim na baitang na ng elementarya ay nagkaroon ako ng crush, si Alfred. Kahit pa sabihing Iglesia si Alfred eh crush na crush ko siya. Palagi ako Masaya noon kasi lagi ko siyang katabi sa classroom dahil seatmates kami. Yun ang isa sa pinakamassaya sa aking elementary life.
May isa pang memorable sa akin sa elementary life ko, yun ay noong kampihan ako nina Nielice, Ervin at Jessie laban dun sa umaaway sa akin. Salamat sa kanila dahil ipinagtanggol nila ako, pero makaraan ang ilang lingo ok na ulit kaming lahat hanggang sa mag graduation day.
Marami talagang pangyayari sa elementary years ko, isa na rito ay noong naglalaro kami ng habul habulan at sa di inaasahang pangyayari, hindi ko nakita ang nakaharang na alambre kaya ayun natusok and pagitan ng leeg at dibdib ko kaya hanggang sa ngayon heto at nanatili pa rin ang marka nito at din a nawala.
Sa elementary years ko din naranasan magtinda ng banana que dahil mahirap lang kami. Mahirap pero masaya naman medyo matagal nga lang maubos ito. Kalimitan para madali mabenta dinadala ko sa mga kamag anak naming. Pag nauubos ko ang paninda ko masaya na ako dahil may baon na ako sa eskwela pagkatapos.
Sa akin naming pagpasok sa High school ay napakarami rin ang alaala na hindi ko malilimutan dahil sa sobrang saya, minssan may lungkot din at may mga pangyayaring nagbibigay ng aral sa akin.
Ako ngayong 4th year.


Noong ako ay first year, wala pa akong gaanong kaibigan sa room dahil napahiwalay na ako sa mga kaibigan kpo noong elementary at sa ibat ibang school na sila nagsipasok. Pero salamat kina Mary Garace Dellosa, Pauline Dizon at Abigail Esteban dahil sila ang una kong naging kaibigan doon.
Noong second year naman ako ay masaya din bagamat hindi ko na kaklase yung mga dati kong classmate. Dahil kahit kami ay nag aaway, palagi pa rin kaming magkasabay umuwi. Medyo may kahirapan din ng konti. Pinaka memorable ay ang AP naming noon kay Gng Hitosis dahil sobrang strict nya na kahit magpa hanggang ngayon ay lubos ko pa ring iginagalang. Naalala ko noon na kapag hindi ka bumati ng tagalong na magandang umaga, tanghali o hapon sa kanya e 65 ka sa index card. Pati sa pagbasa sa CED dapat walang mali para manalo ang girls laban sa boys. Bawal din ang maingay dahil 65 ulit. Naalala ko rin ang aming pagbabalita sa kanyang klase dapat ay lahat tagalong ang pagbasa, dapat pati sa pagbasa ng taon ay tagalong kaya marami kaming natutunan ganun din sa pagre report namin ng mga kabanata sa kanya.Yan ang mga experience ko nung second year.
Noong third year ako, mas nagging makulay ang aking buhay, dito ko nakilala ang magpasa hanggang ngayon ay mabuti at mabait kong kaibigan na si Silke Klieber. Akala ko noon ay mataray siya ngunit ng makilala ko sya ng lubusan mabait pala siya at masayahin. Naging sandalan ko ng mga times na problematic ako. Naranasan ko rin ditto ang mag JS, napakasaya noon dahil isinayaw ako ng crush ko and that’s one of my happy moment. Hindi ko rin iyon makalimutan dahil first time ko naka attend ng JS Prom.Hindi ko rin makakalimutan ang isan teacher na napakabait at napakamatulungin naming teacher at adviser na si Mam Carmela Baylon.
Ako,si salac,at si daryle.

At ngayon sa aking pagiging fourth year student section F, sobra ring napaka memorable nito sa akin at ito ang pinaka masaya sa lahat. Syempre nung araw ng pasukan nahihiya pa ako dahil wala akong kakilal sa 4F. Pero ang unang pumansin sa akin noon ay si Ma Christina Salac, naging napakabait niya sa akin. Pero sa pagdaan ng mga araw doon ko nakilala ang aking one true bestfriend, si Arlene Catapang. Noong mga time na yun ng una kaming magkausap ay malapit ng mag TLE. At simula noon nagging close na kami at kahit magpasa hanggang ngayon. Masaya ako dahil kahit ang mga kapatid at nanay niya ay napakabait sa akin. Marami talaga akong natutunan mula sa kanya. Sa aking pagiging fourth year ngayon nagging mabuting kaibigan din sa akin ang magkapatid na Mildred at Eldren Del Valle. Lahat sila ay parte ng high school life ko at hindi ko malilimutan pati ang buong 4F (4 Fearless) at si Mam Katigbak.
Ako at si arlene. 




At ngayong malapit na ang araw ng pagtatapos naming sa sekondarya, malungkot ako dahil hindi na kami magkaklase next year dahil college years na iyon. Pero kahit anong mangyari, sina Arlene sampu ng kanyang pamilya, sina Eldren at Mildred at ang mga good and bad memories ko in Dizon High will remain forever.
Si eldren del Valle.
 



   


   At ngayon kami ay gagraduate na, hindi ko tlga makakalimutan ang 4-fearless. Goodluck nalang sa atin.Sana,matuloy ang ating swimming sa April.  
Kami ng 4-f
also called; 4-fearless.

No comments:

Post a Comment