Sunday, February 20, 2011

Ang Talambuhay ni Iara Belda

Ako si Iara Belda, 15 taong gulang. Nakatira ako sa Brgy Sta. Elena, San Pablo City. Isinilang ako noong April 20, 1995. Ang mga magulang ko ay sina Gina At Rafael Belda. Kami ay limang magkakapatid. Ako ang panganay sa kanila. Ako ang nagsisilbing ate at padalawang magulang sa kanila kapag wala sa amin sina inay at tatay.
Si femia,ako,at si allyssa.



Sabi ng inay at tatay ay mabait daw akong bata, matulungin daw ako sa kanila, pero nung limang taon pa daw ako saksakan daw ako ng kulit. Kapag nakikipaglaro ako sa aking tiyo ay hindi daw ako natigil hanggat di daw ako nasasaktan. Lagi lagi daw akong nabubukulan o nasasaktan nung bata pa ako dahil nga sa makulit ako.
Tapos nung ako ay mag aaaral na sa ika unang antas sa elementarya ay ayoko daw magpaiwan sa aking ina. Lagi daw pagkatapos ng flag ceremony namin ay umiiyak na daw ako dahil nga ayoko mag isa sa paaralan, galit na galit na daw sa akin noon si inay. Binibilhan na nga daw niya ako ng mga pagkain para di na ko umiyak pero palpak pa rin daw. Nawala rin naman daw yung pag iyak kong yun ng magkaroon na ko ng mga kaibigan
Lumipas ang anim na taon at ako'y nakagraduate na sa elementarya. Ang laking tuwa sa akin noon nina nanay at tatay kasi nakatapos na daw ako ng elementarya at saka naging proud din ako sa aking sarili tapos medyo naiiyak ako noon kasi last na naming pagsasama iyon ng mga naging matalik kong kaibigan. Maaalala ko yung mga happy moments namin at noong maghapon na garabe ang dami ko palang handa. Tapos ang mga tiyo at tiya ko at mga pinsan ko ay nandoon sa amin at masaya akong binabati ng congratulations. Napaka saya ko sa araw na iyon. Nangyari iyon noong March 28, 2007.
Nang matapos ang bakasyon ay nag enrol ako sa paaralan ng Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School. Noong unang pasukan wala pa akong masyadong kakilalala at hindi ako masyadong makulit, tapos makaraan ang isang linggo, nagkaroon na ako ng maraming kaibigan. Masaya sila kasama at maaasahan sila.
si Iara ito
Noong bakasyon namin doon, kami ay nagbaskasyon sa Calamba, doon sa aming tiyo. Naging masaya naman ang aming pagpunta doon. Marami akong nakilalang kaibigan doon at saka meron din akong napusuan. Laging pagkakatapos ng mga gawain sa bahay, kaming magpipinsan at mga katropa namin doon ay nag gagala aat kung minsan ay nagbubuo kami ng sayaw. Hobbies lang namin itong magpipinsan. Tumagal din naman kami sa Calamba, pero unang umuwi sa amin sina inay at tatay at yung kapatid ko. Ako lang muna ang naiwan dito sa tiyo ko, kasi nagustuhan ko ang lugar na ito at ang aking talento ay nahahasang maigi dahil nga sa tuwing hapon ay nagpa praktis kami ng sayaw
kaming dalawa ni best friend  shara
Noong May 10 ako umuwi sa amin. Kasama ko pag uwi sina tiyo at tiya kasi fiesta sa amin kya kasama ko sila. Naging masaaya din ang pag uwi ko sa amin dahil halatang na miss ako ng aking pamilya. Tapos nagkwento ako sa aking kapatid ng lahat lahat ng nangyari sa akin doon sa Calamba at sinabi ko din sa kanya ang pag papraktis ng sayaw namin na lagi kaming tawanan at pag minsan palagi kaming nagkakamali ng mga steps lalo na kapag mabilis ang tugtog doon. Tawang tawa na lang ang kapatid ko doon, tapos sabi ko ay mami miss ko ang lahat lahat ng happy moments ko doon.
Makalipas ang ilang linggo ay nag enrol ako sa CLDDMNHS. Noong unang pagpasok ko dito ay parang natatakot ako na ang nasa isip ko ay wala akong kakilala dito at saka parang mahirap ang mga aralin at matataray ang mga teachers, yun pala ay kabaligtaran ang mga iniisip ko. Madali lang pala basta nag aaral ako at kung talagang iintindihin mo at saka mabait ang mga guro kung mabait ka sa klase nila. at Makalipas ang isang linggo ay nagkaroon na ako ng kaibigan. Mababait sila at matulungin. Ni minsan hindi ko naisip magloko sa pag aaral dahil yun lang ang bilin sa akin ni inay kapag ako ay paalis na ng bahay. At kung minsan pag nagkakaroon dito ng contest katulad ng mga sayaw ay hindi ako nakakasali kahit gusto kong sumali ay inuunahan ako ng hiya at ewan ko ba kung bakit ako napapahiya, pero meron naman akong karanasan sa pagsali sa contest ng sayaw marami na ring beses. Doon sa aming baranggay ako laging nakakasali sa contest pag minsan ay pinipalad namang manalo at kung minsan naman ay hindi. Kaso nasira ang samahan namin sa grupo dahil ang iba kahit first year pa lang ay maaga ng nabuntis. Nalulungkot nga ako sa kanila tapos nakapagtapos na ako ng first year.
Nakatuntong na ako ng second year. Doon ko nakilala si Mira Nova A. Belda. Sa lahat ng naging kaibigan ko, siya yung pinaka special kasi sobrang bait niya at matulungin sa akin kaya ganun din ang turing ko sa kanya. Masaya nga ako nung second year ako.
Si allyssa at ako.


Tapos noong third year naman ako ang pinaka aantay ko naman dito ay yung JS Prom namin kasi sabi daw nila ay yun daw ang pinakamasaya sa third year kaya ako naging masaya na nung mag third year ako. Sumapit ang Junior and Senior Prom, naging abala kami ni inay kasi gusto ni inay maging bongga ako. Sobrang saya ko naman noon kasi pinaghandaan nila ang JS ko. Ang first dance ko noon ay si Dustin Marco Reyes at siya rin ang last dance ko noon. Tapos nung pag uwi ko noon ay nagtanong ang mga pinsan ko kung sino daw ang nag sayaw sa akin, natawa lang ako sa kanila kasi kin ikilig ako noon. Ayan ang di ko malilimutan nung third year ako.
class picture ng 4-F
Ngayong fourth year na ako noong una ay matino pa ako pero nung kalagitnaan ay medyo nagloko ako at hindi maayos ang pag aaral ko. Tapos nung JS dito hindi ako sumali kasi ayoko muna, kaya hindi na rin muna ako pinasali ni inay ko. Tapos ngayon ay inaayos ko na ang pag aaral ko.

No comments:

Post a Comment