Sunday, February 20, 2011

Ang Talambuhay ni Iara Belda

Ako si Iara Belda, 15 taong gulang. Nakatira ako sa Brgy Sta. Elena, San Pablo City. Isinilang ako noong April 20, 1995. Ang mga magulang ko ay sina Gina At Rafael Belda. Kami ay limang magkakapatid. Ako ang panganay sa kanila. Ako ang nagsisilbing ate at padalawang magulang sa kanila kapag wala sa amin sina inay at tatay.
Si femia,ako,at si allyssa.



Sabi ng inay at tatay ay mabait daw akong bata, matulungin daw ako sa kanila, pero nung limang taon pa daw ako saksakan daw ako ng kulit. Kapag nakikipaglaro ako sa aking tiyo ay hindi daw ako natigil hanggat di daw ako nasasaktan. Lagi lagi daw akong nabubukulan o nasasaktan nung bata pa ako dahil nga sa makulit ako.
Tapos nung ako ay mag aaaral na sa ika unang antas sa elementarya ay ayoko daw magpaiwan sa aking ina. Lagi daw pagkatapos ng flag ceremony namin ay umiiyak na daw ako dahil nga ayoko mag isa sa paaralan, galit na galit na daw sa akin noon si inay. Binibilhan na nga daw niya ako ng mga pagkain para di na ko umiyak pero palpak pa rin daw. Nawala rin naman daw yung pag iyak kong yun ng magkaroon na ko ng mga kaibigan
Lumipas ang anim na taon at ako'y nakagraduate na sa elementarya. Ang laking tuwa sa akin noon nina nanay at tatay kasi nakatapos na daw ako ng elementarya at saka naging proud din ako sa aking sarili tapos medyo naiiyak ako noon kasi last na naming pagsasama iyon ng mga naging matalik kong kaibigan. Maaalala ko yung mga happy moments namin at noong maghapon na garabe ang dami ko palang handa. Tapos ang mga tiyo at tiya ko at mga pinsan ko ay nandoon sa amin at masaya akong binabati ng congratulations. Napaka saya ko sa araw na iyon. Nangyari iyon noong March 28, 2007.
Nang matapos ang bakasyon ay nag enrol ako sa paaralan ng Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School. Noong unang pasukan wala pa akong masyadong kakilalala at hindi ako masyadong makulit, tapos makaraan ang isang linggo, nagkaroon na ako ng maraming kaibigan. Masaya sila kasama at maaasahan sila.
si Iara ito
Noong bakasyon namin doon, kami ay nagbaskasyon sa Calamba, doon sa aming tiyo. Naging masaya naman ang aming pagpunta doon. Marami akong nakilalang kaibigan doon at saka meron din akong napusuan. Laging pagkakatapos ng mga gawain sa bahay, kaming magpipinsan at mga katropa namin doon ay nag gagala aat kung minsan ay nagbubuo kami ng sayaw. Hobbies lang namin itong magpipinsan. Tumagal din naman kami sa Calamba, pero unang umuwi sa amin sina inay at tatay at yung kapatid ko. Ako lang muna ang naiwan dito sa tiyo ko, kasi nagustuhan ko ang lugar na ito at ang aking talento ay nahahasang maigi dahil nga sa tuwing hapon ay nagpa praktis kami ng sayaw
kaming dalawa ni best friend  shara
Noong May 10 ako umuwi sa amin. Kasama ko pag uwi sina tiyo at tiya kasi fiesta sa amin kya kasama ko sila. Naging masaaya din ang pag uwi ko sa amin dahil halatang na miss ako ng aking pamilya. Tapos nagkwento ako sa aking kapatid ng lahat lahat ng nangyari sa akin doon sa Calamba at sinabi ko din sa kanya ang pag papraktis ng sayaw namin na lagi kaming tawanan at pag minsan palagi kaming nagkakamali ng mga steps lalo na kapag mabilis ang tugtog doon. Tawang tawa na lang ang kapatid ko doon, tapos sabi ko ay mami miss ko ang lahat lahat ng happy moments ko doon.
Makalipas ang ilang linggo ay nag enrol ako sa CLDDMNHS. Noong unang pagpasok ko dito ay parang natatakot ako na ang nasa isip ko ay wala akong kakilala dito at saka parang mahirap ang mga aralin at matataray ang mga teachers, yun pala ay kabaligtaran ang mga iniisip ko. Madali lang pala basta nag aaral ako at kung talagang iintindihin mo at saka mabait ang mga guro kung mabait ka sa klase nila. at Makalipas ang isang linggo ay nagkaroon na ako ng kaibigan. Mababait sila at matulungin. Ni minsan hindi ko naisip magloko sa pag aaral dahil yun lang ang bilin sa akin ni inay kapag ako ay paalis na ng bahay. At kung minsan pag nagkakaroon dito ng contest katulad ng mga sayaw ay hindi ako nakakasali kahit gusto kong sumali ay inuunahan ako ng hiya at ewan ko ba kung bakit ako napapahiya, pero meron naman akong karanasan sa pagsali sa contest ng sayaw marami na ring beses. Doon sa aming baranggay ako laging nakakasali sa contest pag minsan ay pinipalad namang manalo at kung minsan naman ay hindi. Kaso nasira ang samahan namin sa grupo dahil ang iba kahit first year pa lang ay maaga ng nabuntis. Nalulungkot nga ako sa kanila tapos nakapagtapos na ako ng first year.
Nakatuntong na ako ng second year. Doon ko nakilala si Mira Nova A. Belda. Sa lahat ng naging kaibigan ko, siya yung pinaka special kasi sobrang bait niya at matulungin sa akin kaya ganun din ang turing ko sa kanya. Masaya nga ako nung second year ako.
Si allyssa at ako.


Tapos noong third year naman ako ang pinaka aantay ko naman dito ay yung JS Prom namin kasi sabi daw nila ay yun daw ang pinakamasaya sa third year kaya ako naging masaya na nung mag third year ako. Sumapit ang Junior and Senior Prom, naging abala kami ni inay kasi gusto ni inay maging bongga ako. Sobrang saya ko naman noon kasi pinaghandaan nila ang JS ko. Ang first dance ko noon ay si Dustin Marco Reyes at siya rin ang last dance ko noon. Tapos nung pag uwi ko noon ay nagtanong ang mga pinsan ko kung sino daw ang nag sayaw sa akin, natawa lang ako sa kanila kasi kin ikilig ako noon. Ayan ang di ko malilimutan nung third year ako.
class picture ng 4-F
Ngayong fourth year na ako noong una ay matino pa ako pero nung kalagitnaan ay medyo nagloko ako at hindi maayos ang pag aaral ko. Tapos nung JS dito hindi ako sumali kasi ayoko muna, kaya hindi na rin muna ako pinasali ni inay ko. Tapos ngayon ay inaayos ko na ang pag aaral ko.

Ang Talambuhay ni Jimboy Cortez

Ayon sa aking mga magulang ng ako’y ipinagbubuntis pa lamang, ang aking ina ay naglilihi sa gatas. Isang maliwanag na araw ako ay isinikang noong Hunyo 11, 1995 nang ika isa ng hapon sa City Hospital. At pagkatapos iluwal ako ng aking ina, siya ay nanghina dahil siya ay kababagong anak pa lamang. At dinala ako ng nurse sa aking ina upang ako ay Makita at Laking tuwa ng Makita ako ng aking mga magulang.


Nagdaan ang ilang buwan ay bininyagan ako sa simbahang katoliko upang maging kristiyano at ang mga kasama ko doon ay ang mga kinuhang ninong at ninang ko ng aking mga magulang at pati na rin ng aking mga kamag anak.
Mga ilang buwan naman ang nakalipas ay pinaghandaan naman ng aking mga magulang ang sasapit kong kaarawan. Sila ay nag ipon ng pera upang ipaghanda ako sa aking kaarawan. At ng sumapit ang anking kaarawan ay ipinaghanda nila ako ng spaghetti, cake, pancit at meron ding mga palaro at clown.


Nang ako ay matuto maglakad ay tuwang tuwa ang aking mga magulang habang ako’y pinagmamasdang maglakad. Nalalapit na ang ikalawang kaarawan ko ay naghanda pero pang pamilya lang, dahil na rin sa walang pera pero Masaya pa rind aw ako noon kahit di masyadong engrande ang aking kaarawan sabi ng aking magulang. Nagdaan ang buwan ng April 28, 1998 ang araw na ako ay tinulian, kahit ayoko pang magpatuli kasi alam kong pag nagpatuli ay masakit at ng unti unting gumagaling ang aking tuli ay sabik na sabik na akong makapaglaro muli dahil mahigit dalawang linggo akong hindi nakapaglaro.
Ako’y pumasok na ng kinder sa edad na apat kahit ako ay bata pa na pumasok ay nakasunod pa rin ako sa itinuturo ng guro. Masaya ako noong kinder kasi tinuturuan kami ng aming guro ng sayaw upang sumali sa mga contest. Kahit hindi kami nakapasok sa finals dahil kami ay nag try para ipakita ang sayaw na itinuro n gaming guro. Sumapit na ang graduation na doon kami ay nagkahiwahiwalay ng aking mga kaklase at ng aming guro. At nang ako’y umakyat sa stage ay nilalagnat pero ako ay umakyat pa rin dahil gusto ko ng makatuntong ng grade one. Pagkauwing pagkauwi ko kasama ang aking ina ay nagpahanda ang aking ama para sa akin dahil ako ay nakatapos na ng kinder.


Sumapit ang araw ng pasukan ulit at ako ay grade one na. Ako ay excited dahil gusto ko ng makakilala pa ng ibang mga kakalase. Ako ay pumasok sa paaralang Ambray Elementary School at nagging guro ko sa pinasukan kong school ay si Mam De Villa, ang isang taon na pagtuturo sa amin ng guro ay marami rin naman akong natutunan.
Pagsapit naman ng ikalawang baitang ko, ang naging guro ko ay si Mam Alcos. Kahit siya ay mataray at palagi kaming pinagagalitan ay minahal naming ang aming guro. Pag dating ng buwan ng Disyembre ay lahat kami ng magkaklase ay Masaya dahil magki Christmas party, lahat kami ay nakilahok sa mga contest upang manalo sa mga palaro ng school. Nagdaan ang mga araw ay sumapit na ang lahat ng iniintay ng mga tao (ang Pasko). Kaming magpapamilya ay maagang nagbihis upang magsimba sa simbahang katoliko at pagkatapos ng misa ay umuwi na kami upang ako ay makapamasko. Kahit wala rito ang aking mga ninong at ninang ay Masaya pa rin ako dahil nagkapera pa rin ako.
Nagdaan ang mga taon ako ay nagging grade six na. Isa ito sa masasaya kong taon dahil kami ay mayroong kids prom at naisayaw ko ang aking crush at kahit akoy kinakabahang isayaw siya nilakasan ko na lang ang aking loob upang maisayaw siya. At nang sumapit ang buwan ng Marso kaming magkaklase ay nalungkot dahil kami ay malapit ng magkahiwahiwalay. Dumating ang araw n gaming graduation, ang pakiramdam naming ay Masaya na malungkot dahil magkakahiwahiwalay na kaming lahat na magkakaklase. At nang nagsimula na ang graduation at nakaupo na kami at naghihintay ng matapos, dahil malulungkot lang kami.
Ako noong kinder.

Mga kapatid ko,nanay ko at ako.

Ako noong grumaduate noong kinder kasama ang nanay ko.

Ako at ang kuya ko.

Kuya ko at ako.






At nang maging High school na ako ay marami pa akong kaklaseng hindi ko pa kilala dahil nagsi simula pa lamang ang pagiging first year high school. Habang nagtatagal ang mga araw ay marami na akong nakilala dahil nakikissama na ako. Dito ko nakilala ang babaeng minahal ko sa unang pagkakataon. Hindi ko na agad pinalampas ang pagkakataon dahil baka maunahan pa ako ng iba at baka magsisi pa ako sa huli. Niligawan ko siya at sinabi ko kung pwede ko ba siyang ligawan, sumagot at ang ssabi ay pwede, ang pakiramdam ko doon ay masayang Masaya. Hindi nagtagal ay di ko na naituloy ang panliligaw dahil natakot na baka ako ay puntahan ng kanyang ama at ako ay kagalitan. Ang bilis ng araw dahil malapit na ang bakasyon pero nakikikta ko siya at para bang ako ay nahihiya dahil di ko na naituloy ang panliligaw ko. Dumating ang araw ng bakasyon at hindi na kami nagkita pa.
Naging second year na ako at nalaman kong wala pa siyang boyfriend at niligawan ko ulit siya at sinagot naman niya ako.Nagkahiwalay kami nang ako ay third year na dahil nagkaaway kami at hindi nagkasundo. Ang masayang araw para sa akin ay noong una kong Js Prom sa central gymn at duon ko ulit isinayaw ang pinakamamahal kong babae at ang sabi ko sa araw na iyon ay wag nang kabahan dahil gusto ko pang isayaw ang mahal ko.
Naging fourth year na ako at doon ko na realize na maraming babae diyan sa tabi tabi at doon ko nakillala si Abigael Esteban, isa sa minahal kong babae. Siya ay aking kaklase. Naging Masaya kami at lagi ko siyang inihahatid kapag uwian na. Sa kanya ko na ibinubuhos ang aking pagmamahal. Kami ay nagkahiwalay din dahil sa di kami nagkaunawaan, pero paglipas ng dalawang araw ako ay humingi ng sorry at upang makipagbalikan at ng pinatawad nfiya ako kami ay nagkabalikan ulit. Pero pagkalipas ng ilang buwan ay nagbakasyon dahil malapit na ang pasko. Masaya kami ng araw ng pasko dahil magkakasama at sabay sabay kaming kumain at gawa ng nangyari naman sa araw ng bagong taon.
Pasukan na pagkalipas ng bagong taon ay balik eskwela na ulit at ngayon malapit na kaming gumaradweyt.

Ang Talambuhay ni Mylene Estabaya

Ako si Mylene Ilao Estabaya, anak nina Tirso Tan Estabaya at Jennifer Brillantes Ilao. Ayon sa kwento ng aking tiyahin nagkakilala sina mama at papa sa Cavite sa kanilang trabaho doon. At di nagtagal ay nagkamabutihan sila. Dahil sa laguna nakatira, doon ipinakilala ni mama si papa sa aking mga lola. Dito sila ikinasal sa San Diego San Pablo City Laguna.
Nang sila ay maikasal na, nagbunga ang kanilang pagiibigan at ako nga po i yon, ipinanganak ako noong Agosto 22, 1995 sa San Pablo City District Hospital. Kami ay apat na magkakapatid. Dalawang babae kami at dalawang lalaki.
Habang ako ay lumalaki, may mga nagkukuwento sa akin na ako ay ihinabilin lang ng mama’t papa ko sa aking tita noong ako ay bata pa. Base sa kwento, pareho nagtatrabaho sila mamat papa, ngunit isang araw habang papa ko ang nag aalaga sa akin ay may di inaasahang nangyari dahil daw sa aking kalikutan, habang nagtitimpla noon si papa ng gatas ko ay di niya namalayan na ako pala ay nakalabas na ng bahay at nakapunta sa kalsada, hinanap niya ako at nalaman na lang niya na na nsa ilalim nap ala ako ng jeep..!! at di inaasahan na umandar ito. Hindi ko raw alam ang gagawin kya raw ako ay umiyak ng umiyak at yumuko na lang, kaya thanks God, dumapa lang ako at nakaligtas at galos lang ang aking natamo.
Ako noong 3 taon


Matapos ang pangyayaring iyon, makalipas ang ilang buwan umuwi kami ng Laguna. May isa na naming pangyayari sa buhay ko na di ko rin malilimutan, sabi ni mama ako daw noon ay nakahiga sa crib sa may tapat ng bintana, hindi maisara ng lola ko ang bintana kaya kanya na lang itinulak mula sa labas ng bahay para maisara, pero sa di inaasahang pangyayari natanggal iyon at sa akin nahulog. Nalaglagan ako ng bintana at buti na lamang daw at nakaligtas ako iyak nga lang ako ng iyak.
Noon naming ako ay lumaki na at nagsimula mag aral sa kinder may karanasan din akong di malilimutan. Isan mainit na tanghali noon, dahil kakatapos pa lang ng aming klase ang laro naming ay habulan. Sobrang saya noon ngunit isang pangyayari ang nagpaiyak sa akin., ng ako ay madapa at masungasob sa putikan, buong katawan ko ay puro putik pati ang aking mukha. Pinagtawanan ako noon ng mga kaklase ko. Matapos noon umuwi na lang ako at nagmukmok sa aking silid.
Hindi lamang iisang school ang aking pinasukan ng elementarya dahil nga sa ang trabaho ng aking mga magulang ay sa Carmona Cavite, bukod sa San Diego Elem Schoool, pumasok rin ako ssa Bancal Elem School. Three years ako ditto sa Laguna at three years din sa Cavite.
Nang ako ay nasa Ika anim na baitang na ng elementarya ay nagkaroon ako ng crush, si Alfred. Kahit pa sabihing Iglesia si Alfred eh crush na crush ko siya. Palagi ako Masaya noon kasi lagi ko siyang katabi sa classroom dahil seatmates kami. Yun ang isa sa pinakamassaya sa aking elementary life.
May isa pang memorable sa akin sa elementary life ko, yun ay noong kampihan ako nina Nielice, Ervin at Jessie laban dun sa umaaway sa akin. Salamat sa kanila dahil ipinagtanggol nila ako, pero makaraan ang ilang lingo ok na ulit kaming lahat hanggang sa mag graduation day.
Marami talagang pangyayari sa elementary years ko, isa na rito ay noong naglalaro kami ng habul habulan at sa di inaasahang pangyayari, hindi ko nakita ang nakaharang na alambre kaya ayun natusok and pagitan ng leeg at dibdib ko kaya hanggang sa ngayon heto at nanatili pa rin ang marka nito at din a nawala.
Sa elementary years ko din naranasan magtinda ng banana que dahil mahirap lang kami. Mahirap pero masaya naman medyo matagal nga lang maubos ito. Kalimitan para madali mabenta dinadala ko sa mga kamag anak naming. Pag nauubos ko ang paninda ko masaya na ako dahil may baon na ako sa eskwela pagkatapos.
Sa akin naming pagpasok sa High school ay napakarami rin ang alaala na hindi ko malilimutan dahil sa sobrang saya, minssan may lungkot din at may mga pangyayaring nagbibigay ng aral sa akin.
Ako ngayong 4th year.


Noong ako ay first year, wala pa akong gaanong kaibigan sa room dahil napahiwalay na ako sa mga kaibigan kpo noong elementary at sa ibat ibang school na sila nagsipasok. Pero salamat kina Mary Garace Dellosa, Pauline Dizon at Abigail Esteban dahil sila ang una kong naging kaibigan doon.
Noong second year naman ako ay masaya din bagamat hindi ko na kaklase yung mga dati kong classmate. Dahil kahit kami ay nag aaway, palagi pa rin kaming magkasabay umuwi. Medyo may kahirapan din ng konti. Pinaka memorable ay ang AP naming noon kay Gng Hitosis dahil sobrang strict nya na kahit magpa hanggang ngayon ay lubos ko pa ring iginagalang. Naalala ko noon na kapag hindi ka bumati ng tagalong na magandang umaga, tanghali o hapon sa kanya e 65 ka sa index card. Pati sa pagbasa sa CED dapat walang mali para manalo ang girls laban sa boys. Bawal din ang maingay dahil 65 ulit. Naalala ko rin ang aming pagbabalita sa kanyang klase dapat ay lahat tagalong ang pagbasa, dapat pati sa pagbasa ng taon ay tagalong kaya marami kaming natutunan ganun din sa pagre report namin ng mga kabanata sa kanya.Yan ang mga experience ko nung second year.
Noong third year ako, mas nagging makulay ang aking buhay, dito ko nakilala ang magpasa hanggang ngayon ay mabuti at mabait kong kaibigan na si Silke Klieber. Akala ko noon ay mataray siya ngunit ng makilala ko sya ng lubusan mabait pala siya at masayahin. Naging sandalan ko ng mga times na problematic ako. Naranasan ko rin ditto ang mag JS, napakasaya noon dahil isinayaw ako ng crush ko and that’s one of my happy moment. Hindi ko rin iyon makalimutan dahil first time ko naka attend ng JS Prom.Hindi ko rin makakalimutan ang isan teacher na napakabait at napakamatulungin naming teacher at adviser na si Mam Carmela Baylon.
Ako,si salac,at si daryle.

At ngayon sa aking pagiging fourth year student section F, sobra ring napaka memorable nito sa akin at ito ang pinaka masaya sa lahat. Syempre nung araw ng pasukan nahihiya pa ako dahil wala akong kakilal sa 4F. Pero ang unang pumansin sa akin noon ay si Ma Christina Salac, naging napakabait niya sa akin. Pero sa pagdaan ng mga araw doon ko nakilala ang aking one true bestfriend, si Arlene Catapang. Noong mga time na yun ng una kaming magkausap ay malapit ng mag TLE. At simula noon nagging close na kami at kahit magpasa hanggang ngayon. Masaya ako dahil kahit ang mga kapatid at nanay niya ay napakabait sa akin. Marami talaga akong natutunan mula sa kanya. Sa aking pagiging fourth year ngayon nagging mabuting kaibigan din sa akin ang magkapatid na Mildred at Eldren Del Valle. Lahat sila ay parte ng high school life ko at hindi ko malilimutan pati ang buong 4F (4 Fearless) at si Mam Katigbak.
Ako at si arlene. 




At ngayong malapit na ang araw ng pagtatapos naming sa sekondarya, malungkot ako dahil hindi na kami magkaklase next year dahil college years na iyon. Pero kahit anong mangyari, sina Arlene sampu ng kanyang pamilya, sina Eldren at Mildred at ang mga good and bad memories ko in Dizon High will remain forever.
Si eldren del Valle.
 



   


   At ngayon kami ay gagraduate na, hindi ko tlga makakalimutan ang 4-fearless. Goodluck nalang sa atin.Sana,matuloy ang ating swimming sa April.  
Kami ng 4-f
also called; 4-fearless.

Saturday, February 19, 2011

Ang Talambuhay ni kaizzle hardillo

si kaizzle
                 Ito ang aking kwento simula nang ako ay mabuhay sa mundong ito nagsimula ito nang ako ay ipanganak ng aking ina na si Lorenza Hardillo noong ika-Mayo 14,1995 ako ay pangalawa sa aming tatlong magkakapatid.Alam kong mahal na mahal ako ng aking mga magulang dahil ito ay nararamdaman ko,ito makikita ninyo ang aking larawan nang ako ay mag isang taong gulang ,sabi ng aking ina nagsisimula na daw akong maglakad ng paunti-unti kay sarap balikan ng mga sandaling iyon.
            
Mga klasmate ko
              
                Natatandaan ko nang ako ay magpitong taong gulang nagsisimula na akong pumasok sa eskwela doon sa paaralan ng central elementary school doon ako pumasok ng unang grado,natatandaan ko palagi akong umiiyak sa tuwing hinahatid ako na aking mama,sapagkat iniisip ko na ako ay kanyang iiwanan,ngunitr nang malaman niya na ako ay tumawid mag isa sa kalsada ay pinagtapos lamang niya ako ay inilipat niya ako nang paaralan na mas malapit sa aming tirahan sa Fule Almeda Elementary School upang hindi ako mapahamak sa aking kakulitan at doon nakasama ko ang aking mga kaibigan at kapit-bahay naisip ko mas masaya pala sa Fule kaysa sa Central dahil mas madami akong kakilala at kaibigan hanggang sa ako ay mag grade6 natatakot ako dahil nasa isip ko baka mahirap ang mga pag-aaralan ngunit hindi naman pala.masaya ako dahil napasama ako sa mga lalaban sa Science at Hekasi sobrang nakakatuwang isipin dahil ang aking mga kasama ay mga honor samantalang ako ay hindi,lalo na akong sumaya nang kami ay makakuha ng 3rd place hanggang sa dumating ang araw na pinaka hihintay ko ang aming graduation unang beses kong maka tanggap ng medalya at ito ay dalawa pa naiiyak ako habang tinatawag ang aking pangalan at nakikitang papalapit ang aking ina na may ngiti sa kanyang labi upang isabit sa akin ang aking medalya.


            Nagsimula na akong pumasok nang sekondarya mas naranasan ko ang pakikisalamuha sa mas madaming tao medyo naninibago ako dahil hindi ko pa alam ang pasikot-sikot sa aming paaralan sa edad na labindalawa dito na ako nagsimulang sumali sa mga patimpalak tulad ng lakan at mutya ng Dizon high dito nakilala ko ang iba't-ibang klase ng tao at nung bakasyon naman nang ako ay malapit ng mag second year nakalahok muli ako sa lakan at mutya ng dulong bayan ito ay doon sa aming barangay,sa pagkakataong iyon ng matapos ang nasabing patimpalak ako ay nagkamit ng ikalawang pwesto nang matapos iyon.Nang mag 3rd year na ako dito mas pinagbuti ko muna ang pag-aaral ko,masaya ako dahil nakilala ko ang aking bestfriend na si EdenJoy palagi kaming magkasama kahit saan kami magpunta lalo na nang kami ay mag JS promination sobrang excited kami dahil unang beses namin. Dito maraming nakipagsayaw saming mga lalake sa gitna na Sentral Gym kung saan ginanap ang aming JS. Bago matapos ang aking 3rd year high school marami-rami na rin akong naging karanasan sa buhay, dito unang naranasan ang unang pag ibig ko,pag kakating sa klase, at kung paano mag-aral ng mabuti.
Ako at si Mica

Clasmate ko yung isa
j.s namin ngayong 4th year

            Sa ngayon nasa ika apat na taon na ako ito na yata ang pinaka masayang nangyari sa buhay ko dahil nakilala ko ang aking mga ka eskwela na sobrang mababait at makukulit naisip ko dapat pala nung una palang mas naging malapit kami sa isa't -isa parang ang hirap mapahiwalay sa kanila dahil napamahal na sila sa akin sana lahat kami ay maka-graduate.

Ang Talambuhay ni Emersan Montefalcon

Ako noong bata pa.


Noong pinag bubuntis ako nang aking ina ay bigla silang namasyal sa aking lolo at lola na biglang anabot na sila nang gabi kaya hindi na sila nakauwi at kinagabihan ay biglang nakaramdam ang aking ina na manganganak at bigla na akong isinilang noong Mayo dalwamput walo labingsiyam naput tatlo.
Ako noong ako'y binyagan.


Makikita mo dito sa larawang ito na ako ay binibinyagan. Nandito ang aking ina at mga ninang at mga ninong.
Noong ako tumuntong sa edad limang taong gulang ay doong unang nakaramdam kung paano makihalubilo at makipag laro sa aking mga kaibigan at ang mga nilalaro namin ay “bahay-bahayan”. Ako ang nagging tatay at ang kaibigan ko naman ang aking asawa at ang aking mga anak , nagluluto rin kami kunwa-kunwarian ng pagkain naming subalit pag uei ko sa amin ay palagi akong pinapagalitan at napapalo kasi napaka gala ko at napaka kulit at noon nalaman nilang ganon ang ginagawa ko na ako ay nag lalaro kaya hindi na nila ako pinapagalitan lumabas ng bahay . At matulog na lang at huwag na huwag daw malalaman na ako ay lumabas at siguradong ikakadena daw ako.
Ako noong gumaduate ng kinder.

Sa edad kong anim na taong gulang ay nag simula na akong pumasok ng kinder garden at uti-uti na akong natutong magbasa at sumulat at lagi akong hinahatid ng aking ina pag papasok na sa iskwelahan at pag dating sa sild paaralan ko ay iniiwanan na ako pag alis ng ina ko at lagi akong umiiyak at natatakot sa guro. At bago sumapit ang pag dating ng pasko o ang kaarawan ng Diyos ay nag hahanda kami sa pag sasayaw sa darating na Christmas Party naming mag kakaklase. Nang dumating na ang araw ng Christmas Party ay Masaya kami sa mga palaro at s amga nakukuha na regalo at mga papremyo at Masaya kami dahil kami ay sama sama na kumakain pati an gaming mga magulang at noon ay Masaya kaming nag uwian pag sapit nang tanghali. Sa pag sapit nang aming pag tatapos nang aming pag aaral ay Masaya lahat dahil kami ay nakag tapo bilang kinder ng sama sama.


Noong ako ay makatungtong sa ika-1 baytang nang elementarya sa Brgy. Sto NiƱo San Pablo City doon ako nakaranas nang iba’t ibang alituntunin at mga dapat gawin nang isang istudyante . sa pag pasok dapat gumising nang maaga at kumain bago umalis at pag katapos kumain ay maligo agad at pag ako ay pumapasok ako ay nag lalakad lang.
Noong ako ay nakatungtong nang ika dalwang baitang sa Brgy. Sta Catalina San Pablo City doon na ako pumasok dahi lumipat na kami nang tinitirahan. Kasi malayo ang paaralan sa dati naming tinitirahan at nahihirapan na ang aking magulang sa pag hahatid nang pagkain araw araw kaya ako na lang at nauwi pag sapit nang tanghali at pag tapos kong kumain ay pumupunta agad ako sa aming paaralan dahil lagi kaming nag lalaro ng aking mga kaibigan kaya pag katapos naming sa silid paaralan ay basang basa kami nang pawis kaya lagi kaming napag sasabihan nang amning mga guro dahil ang babaho daw namin.
Noong ako ay nakatungtong sa ika tatlong baitang ay doon ko unang nakaranas na lumaban sa mga distrito at ang aking larong na nilabanan sa dama. Ngunit sa kasamaang palad ako nanalo ngunit umuwi pa din akong Masaya kasi kahit hindi ako nanalo ay naranasan kong lumaban.
Ako kasama ang mga kalaro ko.

Noong ako naman ay nasa ika apat na baiting ng elementary ay doon na ako nakaranas nang pag kabulakbol sa mga katarantaduha at doon na tumibok ang aking puso at nakaramdm nang pag hanga at nakakaramdam ako nang pg kasiya pag nakikita ko siya. Hindi ko naming nagawang ligawan kasi hindi ko pa alam kung paano manligaw kaya hanggang tingin na lang ako sa kanya at pag nadaan sa aming silid paaralan ay lagi ko syang tinatawag at pag katawag ko sa kanya ay nag tatago ako dahil nahihiya ako at pag lagging nauunang lumabas ako ay palagi ko siyang hinihantay siya sa gate ngunit hindi ko naman siya makausap dhil nahihiya ako. At nang makapag tapos ako nang ika-4 na baiting natuto na akong mag laro nang basketball at una palagi akong napapasuot dahil palagi akong talo. Nang sumapit naman ang mahal na araw ay umakyat kami sa bundok na hindi alam nang aming mga magulang ngunit sa hindi inaasahang pag kaktaon ay meron palang nakakita kapit bahay naming ang nakakita sa akin na paakyat nang bundok at ako ay sinumbong sa aking mga magulang pero hindi ko alam na may nakakita sa akin kaya patukoy pa rin akong umakyat sa bundok at may kasama naman akong matanda at mga barkada ko. Nang makadating kami sa tuktok nang bundok ay ay nawala ang aking pagod ng Makita ko ang tanawin at Masaya pala sa tuktok at nang pababa na kami sa hindi inaasahan ay nadulas ako at ang aking mga kasama ay nag tawanan pag kababa nang bundok ay agad kaming umuwi sa amin at bigla na lang akong pinagalitan dahil sa umakyat ako nang bundok nang hindi nag papaalam sa kanila.
Noong ako naman ay nasa ika-5 baitang na nang elementary ay pumapasok ako kahit 5 piso lang ang baon kasi pag minsan ay wala kaming pera kaya pinag tiyagaan ko kahit konti lang ang baon kasi naiintindihan ko naman ang aking mga magulang. Doon ko unang naranasan ang camping sa aming paaralan pumunta ng hapon sa paaralan para mag camping at nang sumapit ang gabi ay doon kami nag activity lahat kaming boyscout at doon ko naranasang kumanta at kahit walang talento sa pag kanta ay sumubok pa din ako. Nahihiya nga ako noon kumanta at napilitan na ako at marka din yon.

Ito na ang pinaka iintay ko ang pinaka huling baiting sa elementarya ng Sta. Catalina San Pablo City ditto ako nag aral nang mabuti at may nakaaway ng kaibigan naming at pinag ulot namin mag away sila, nabugbog yong kaaway kaibigan naming subalit napagalitn kami at nalamang kami ang nag ulot sa kanilang dalawa kaya kaya pinatawag ang gaming magulang sa paaralan. Nang makausap n gaming guro ang aking ina ako at ng makaalis at ng makaalis ang aking ina ay natatakot akong umuwi dahil alam kong mapapagalitan ako ng mga magulang ko pag uwi habang ako ay papauwi ay hindi ko alam ang aking gagawin at pasalamat ako nang makauwi ako ay wala sa bahay ang aking ina pag kauwi ko kaya nakaligtas ako. Nag gala na ko pg kauwi ko subalit ng pag dating ko n gabi ay nandon na ang aking ina ako ay pinag sabihan at napalo. At bago sumapit an gaming graduation ilang araw kami nag practice nang kanta bago sumapit ang graduation. At sa pag sapi na nang kaarawan nang graduation naming ay tuwang-tuwa ako at makakapag high school na ako. Masaya kaming tinawag isa isa pra bigyan ng diploma at Masaya kaming kumanta sabay-sabay at madaming nag iykan pag tapos nang graduation.

Ako kasama ang pamilya ko.

Makikit dito na kasama ko ang aking pinsan at mga kapatid

Noong ako ay pumasok nang 1st year sa Dizon High at noong unang pasok ko pa lan ay natatakot ako kasi wala pa akong kilala at kaibigan nang tumagal akong pumasok ay uti-uti na akong nag kakilala at nag kabarkada . at hindi pa naman ako noon mahilig makipag barkada at matino pa ako noon. Pag may pinupuntahan lang na importnte saka lang ako sumasama sa kanila . At nakapasa at naging 2nd year.
Noong una kong pasok nang 3rd year ay hindi ako nakapasok nang yos dhil napasama ako sa barkada at ang alam ng mga magulang ko ay napasok ako pero ako ay nkatambay laang sa ultimart. Pag alis ko sa amin ay pupunta muna akong paaralan at at pag nag kayakgan ng wag nang puasok ay pumupunta na lang kami sa ultimart at doon na kami nag papaabot nang hapo at pag alam na naming awasan na ay saka kami uuwi pag minsan pa nga ay inaabot na kami nang gabe pag uuwi at nag iinom kami kasama ko lago ang pinsan ko. Hindi nag tagal ay nalaman ng aking mga magulang na hindi na ako pumapasok at lagi lang akong nasa ultimart kaya pinatigil na ako. Kaya ang nagging Gawain ko lang sa amin habang hindi ako napasok ay mag alaga ng aking mga kapatid, ilang buwan ganon ang aking Gawain at ang isa pang hindi ko malilimutang karanasan ay nang sinama kami ng konsehal sa cursillo at 3 araw kami at 2 gabi at noong unang punta ko doon parang hindi ako tatagal at nakakainip at kakaunti lang kaming barkadng kasama subalit nang kami ay pinag grupo grupo ay nag kakila kilala kami. At nang mag lesson na kami tungkol sa Diyos ay nakinig at matapos ang lesson ay kami ay natulog na at pag gising ko nang umaga ay pinakain kami sabay sabay bago kami kumain ay nag darasal muna at doon ako nakapag sabi nang mga kasalanan ko at ako ay umiyak. At nang huling araw ng pagtatapos ay meron magagnap na graduation t nabigyan kaming lahat ng certificate. Nang matapos an gaming graduation ay sabay sabay kaming umuwi sa mga sari sariling bahay.
At madami pa akong ntutunan sa pagiging High School ko hanggang pinapasok ulit ako nang aking mga magulng, nakapag tapos nang 3rd year at ngayon ay 4th year High School na ako na nsa seksyon nang IV-F na nalapit nang grumaduate.

Friday, January 28, 2011

what my frienship life was now"

as of now,my friendship life was good...and it feels like im blessed by god..i could nver ask 4 more....thanks to my bhest true friend.....u know hu u are and a very big thanks for being my best,true.friend..........